Wednesday 5 March 2008

Mga Daanang Di Madaanan

Para saan nga ba ang mga sidewalk? Bakit ba hindi nagagamit ang mga ito sa kanilang tamang gamit dito sa ating bansa?

Saan ka man mapunta dito sa Kalakhang Maynila (at kahit pa sa ibang siyudad at malalaking munisipyo sa ating bansa), katakatakang ang mga itinuring na sidewalk ay nagiging tindahan, paradahan, basurahan at tulugan ng ibang tao. Nakapagpapalangitngit pa ng ngipin dahil may mga pagkakataong itong mga itinakdang daanan ng pangkalahatan ay inaangkin ng mga makakapal ang mukhang nakahambalang sa mga ito.

Dumaan kayo sa Monumento, Baclaran at Divisoria. Di nga ba at halos wala ka ng madaanan dahil puros paninda na ang nakaparada sa mga sidewalk dito? Hindi lang po mga sidewalk vendor ang nagsusumiksik sa mga daanan. Pati na ang mga tindahan na nakatapat ay nagkakamada ng kanilang mga paninda sa mismong mga sidewalk. Malala pa nito, ang mga sasakyan ng mga nagmamay-ari ng mga tindahan ay nakaparada pa sa kabilang daan.

Hindi lang sa mga palengke at sentro ng mga bilihan nagkakaroon ng suwapangan sa mga sidewalk natin. Di ba't kahit din sa mga kabahayan ay nakaharang ang sasakyan ng iba sa atin sa mga daanan? Marami nga diyan, hindi lang isa kundi dalawa pa ang nakaparadang mga sasakyan sa mga itinuturing na sidewalks. Hindi man lang nila naisip na ang mga daanan ng tao ay yari sa mas mababang klase kumpara sa mga kalye. Kadalasan pa nga, takip din sa mga kanal ang karamihang nailaang daanan ng tao. Marami tuloy sa mga sidewalk natin ang sira-sira dahil sa pagdaan at pagparada ng mga sasakyan.

Basurahan din ang tingin ng iba sa atin sa mga daanang pam-publiko. Kahit ilang karatula pa ang nakapaskil na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga ito, dagsa pa rin ang patuloy na nagtatapon ng basura sa mga tabi ng daan.

At pagtuntong nga gabi, ginagawa na ring tulugan ng mga pulubi ang mga sidewalk natin.

Tuloy, dahil sa di madaanang daanan ng tao, sinusubukan na ngayon ng mga taong naglalakad na ilitin ang mga sasakyan sa mga kalye't lansangan. Kung magtatagumpay sila, saan na kaya tatakbo ang mga sasakyan?

Read more...

Thursday 28 June 2007

Open Letter from the Filipino Middle-Class

Subject: FW: Open Letter from the Filipino Middle-Class

Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inomkonti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulogna. Pag wala na pera, intay nalang ng sweldo.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat na lang ng sector ay maingay at naririnig. Tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya heto ang liham ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.

Sa Mga Politiko: Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo, di na ba kayo kuntento at kailangan nyo pang manggulo?

Sa Administrasyon: Hayan, ayos na ha, pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon. Pruweba dito e di kami uma-attend sa mga panawagan ng people power. Kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis. Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007. Tingnan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at peoplepower laban sayo. Try mo lang......... (Three years have passed and countless 'shouts' for GMA to resign reverberated worlwide, yet she's still in power. Sorry guys but she is an embodiment of the small but terribleb "and powerful" adage. -Eichs)

Sa Oposisyon: Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate. Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo, paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos. Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo.... Para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa. Please lang, gasgas na rin ang pagra-rally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap. Magtayo na lang kayo ng negosyo at i-empleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.Wala naman mangyayari sa mga rally nyo, nakakatraffic lang! Kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto nyo tagumpay na People Power, kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.

Sa Military: Alam nyo, lahat tayo may problema. Pati US Army may problema. 2,000plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba silamg nagreklamo? Wala, di ba? Kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo, di nagtatanong, sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo. Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.

Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. (Hmmm... I disagree with this. I know some who are their because of what they believed. No more no less! -Eichs) Saka wala rin naman sila email. (Ha!Ha!Ha! -Eichs)

Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto, hanggang e-mail na lang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.


Signed,
Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ngBuwis!

Read more...

Monday 12 February 2007

Mali Pa Rin!?

Isa pa!

Kahit pala gamit ang sarili nating wika... Sabagay, mahirap na kasing mag-ispeling (o mag-spelling?) ngayon sa Filipino. Dami na kasing "Filipinized" na mga salitang dayuhan. Ayon, hindi lang sa pagbabaybay (iyan po ang tamang Tagalog ng spelling) nalilito ang mga tao kundi pati na rin ang paggamit ng mga hiram na salita. Iyong iba pa nga, nalapatan natin ng ibang kahulugan, di ba?

Ayos lang naman na ihalo ang mga salitang Ingles o ano pa mang wika sa Filipino. Mas nagkakaintindihan pa nga dahil dito. (Ala eh, ano kayang gagawin ng Ilocano o Cebuano pag sabihin sa kanyang kailangan ang maniniyot? Oops... iyong iba nga ring Tagalog hindi alam na photographer ang ibig sabihin ng maniniyot.) Nagkakalabuan lang talaga pag magsulat gamit ang mga ito. Puwede bang i-teks o kailangan i-text? Paano ba isulat ang piktyuran? Picturan kaya? (Mahaba kasi ang kunan mo ako ng letrato... hehehe). O "kodakan" na lang, ayon sa mga galing sa Visayas at Mindanao. Sabi ng iba, kahit ano daw basta magkakaintindihan ang sumulat at ang nagbasa. Eh, paano na kaya isinasagawa ang Spelling Bee Contest sa Filipino sa mga paaralan?

Ano pa man, sana ay huwag pagbawalan ang mga istambay na mag-internet at magbasa ng mga blog na katulad nito. Bawal nga lang mag-istambay sa mga internet shop kung hindi naman gumagamit ng computer (puwede na ba ang kompyuter?). Higit sa lahat, nawa ay may pagtutulungan (kooperasyon na lang kaya, mas malalim ang kahulugan nito eh) ang bawat isa upang lalong maging kaaya-aya ang ating pambansang wika.

Read more...

About This Blog

Our Blogger Templates

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP